OFW RISE
Frequently Asked Questions

1. Ano ang OFW RISE Program?

Ang OFW RISE Program ay libreng online training para sa mga OFWs na bumalik ng Pilipinas. Matutunan dito kung paano maging isang entrepreneur, mga paraan upang makabuo ng negosyong pangkabuhayan at maaring pagkakitaan.

2. Sino ang pwede sumali sa OFW RISE Program?

Mga returning/repatriated OFWs, land-based or sea-based na apektado ng COVID pandemic

3. Kailan magsisimula ang enrolment sa OFW RISE Program?

December 14, 2020 ang simula ng enrolment.

4. Sino-sino ang implementors ng OFW RISE Program?

OFW RISE Implementors - OWWA, TESDA, DTI-PTTC at Coca-Cola Philippines

5. Meron bang bayad ang online training sa OFW RISE Program?

Libre/walang bayad ang training sa OFW RISE

6. Ano ang Facebook link ng OFW RISE Program?


7. Pano ako maka-register sa OFW RISE Program?

Go to your browser and type this URL or link: https://cokeurl.com/ofwrise

8. Paano ko makukuha ang kit/Module Guidebook?

I-claim ang kit sa OWWA House Parent sa hotel o sa OWWA Reintegration Officers sa Regional Welfare Offices ng iyong probinsya.

9. Kailan ko makukuha ang Certificate?

Ang certificate ay makukuha sa OFW RISE website kapag natapos mo ang lahat ng videos at naka-submit ka ng iyong Business Model Canvas online.

10. Dati akong OFW pero matagal na akong nasa Pilipinas, pwede ba akong sumali?

Pwede, pero walang guarantee na matutulungan kayo maka-avail ng OWWA livelihood assistance.